bakit tila ganito na lang ang buhay ko?
puro na lang hanggang panaginip ang mga pangarap ko.
oo, alam ko, wala akong ginagawa para mangyari yun..
pero paano ako makakagalaw, makakagawa
eh limitado ang napupuntahan kong lugar?
sa buong buhay ko, lagi na lang ang madali ang pinipili ko.
kung saan ako safe, di ako mahihirapan.
pero mukhang sa choice kong yun, lumaki akong tanga.
di makaintindi, walang alam,walang pinagkatandaan.
simpleng bagay, di ko magawang solusyunan.
meron man akong alam, napakabagal ko namang mag isip at gawin.
simpleng bagay, may alam, mabagal mag isip, di magawang solusyunan.
ano kayang klaseng entrepreneur ako balang araw
kung sa kumplikadong mundong ito di ko magawang mag take ng risks?
napakadami kong idea, pero hanggang sa isip ko lang.
gusto ko man magtake ng risk, natatakot naman ako magfail.
pero paano ako matututo kung di ko susubukan, di ba?
ewan!pero patuloy pa rin ako mangangarap.
libre naman mangarap, di ba?
di ako mag aantay, may gagawin ako.
darating din ang araw, magagawa kong magtake ng risk.
lalabas ako sa comfort zone ko at sasabihin ko sa lahat:
MAKIKILALA DIN AKO!! MAGIGING POPULAR DIN AKO!!
Saturday, January 31, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)