Saturday, December 6, 2008
HARRY POTTER AND THE DEATHLY HALLOWS
Kakatapos ko lang magbasa ng Harry Potter and the Deathly Hallows. Nanghiram kasi ako ng libro. hay grabe! may 3 weeks ko ring binasa ng paputol putol yun. Ang dami naman kasing dapat unahin bago un. Very satisfied naman ako sa ending, nagkatuluyan si Harry at Ginny tapos sina Ron at Hermione naman. Nakakatuwa ung pangalan ng naging anak nina Harry. Yung bunsong babae, Lily(kapangalan ng ina ni Harry). Yung panganay, James (kapangalan ng ama ni Harry). Yung nasa gitna, Albus Severus ( in memory siguro nina Severus Snape at Albus Dumbledore). naiyak naman ako sa sinapit ni snape... kasi namatay sya. tapos nung mkuha ni Harry yung mga memories ni snape at nilagay sa pensieve, nakita ni Harry na nagkakilala si snape at ng ina nya. Dun din nalaman na may pagtingin si Snape kay Lily, nung mga bata pa sila. Dahil dun, iyak ako ng iyak. Grabe ang pinagdaan ni Snape, mahal pala nya ang ina ni Harry. Na nung nalaman nya ang prophecy, nag alala sya kay Lily. Ayaw nya madamay si Lily, kaya lang namatay pa rin. Hiniling pala ni Snape kay Dark Lord na wag idamay si Lily. Kaya naman ng mamatay ito, lubos nyang pinagluksa ito. Tapos lubos din nya na pinag alala na baka mahulog si Lily kay James, pero ayun, nagkatuluyan sina Lily at James. Tapos nung tinutulungan nya si Dumbledore na protektahan si Harry, nalaman ni Snape na kelangan "daw" mamatay ni Harry. Nagdamdam si Snape, akala nya popprotektahan nila ang anak ni Lily. At nasabi nya na hanggang that time, mahal pa rin nya si Lily...(aaaww! how touching!) Naiyak ako sa sinapit nya, sana di na lang sya namatay. Pati rin sina Remus Lupin at ang asawa nyang si Nymphadora Tonks, namatay. Eh kakapanganak pa lang ni Tonks. Pati yung isa sa kambal na kapatid ni Ron namatay. Hay grabe, grabe ang sinapit nila. Pero afterall, all is well!
Subscribe to:
Posts (Atom)